Collection

“Mahal Kita, Pero Sa Iba Ako Nagpakasal”

Ako si Claire. Simple lang ang buhay na gusto ko. Sabi ko noon, okay na sa akin na magkaroon ng simpleng buhay kasama ang mahal ko.

Nakilala ko si Erick sa boarding house ng friend ko. Tahimik, magalang, at mabait naman kasama, dagdag pa ang pagiging gwapo niya. Isa siyang pulis ng QC.

Pitong taon na kaming mag-BF, pero ni minsan ay hindi pa namin napag-usapan ang kasal o kahit anong future na meron sa amin.

Noong minsan, nagkaroon ako ng time makasama ang friend ko. Nagpunta kami sa isang mall para bumili ng ilang gamit.

Napalingon ako sa kabilang store. Sinabi ko sa friend ko, “Si Erick ba ‘yon?”

May kasama siyang isang babae at isang bata. Hindi ako makalapit, kaya tinitignan ko na lang ang mga pangyayari. Sobra akong nanlumo at nasaktan sa nakita ko, lalo na nang makita kong binuhat niya ang batang lalaking iyon.

Tahimik akong umalis. Gusto ng friend ko na magpakita kami, pero tumanggi na lang ako at sinabing umuwi na lang.

Pagdating ko ng bahay, inisip ko na kaya pala hindi siya nag-open ng kahit ano para sa future namin. Kasi may iba na siyang pamilya.

Sobrang inis ko. Kinuha ko ang mga gamit ko at umalis na lang ako. Umuwi ako sa aking mga magulang sa Batanes. Kahit pitong taon na kaming mag-BF ni Erick, ni hindi pa niya nakilala ang mga magulang ko dahil sa sobrang busy niya.

Hindi ko na rin binigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag. Nagpakalayo-layo ako para magkaroon ako ng peace of mind.

Lumipas ang apat na taon. Sa wakas, nakapag-move on na ako. Minsan, naaalala ko pa rin naman siya. Iniisip ko kung kumusta na kaya siya at sana, mas inalam ko pa kung ano talaga ang buhay niya. Pero hindi na nangyari iyon.

Sabay noon, biglaan din ang pagpapakasal ko sa nakilala ko lang online—American Filipino naman si Michael. Nireto siya sa akin ng ate ko para daw makarating ako sa Maryland, U.S.

Oo, mabilisan ang pagpapakasal namin. Hindi ko rin alam kung gusto ko o mahal ko si Michael. Pero lahat ng katangian na gusto ko ay nasa kanya na. Mabait din siya sa parents ko at palagi rin siyang nagvi-video call sa akin kahit minsan ay busy siya.

At doon ko naikumpara si Erick sa kanya.

Isang umaga, araw na ng kasal namin ni Michael. Nandoon na lahat ng kamag-anak namin. Lahat ay masaya.

Habang papalapit ako sa altar, isang lalaki na nasa kaliwang side ng mga upuan ang nakatingin sa akin.

Muka ni Erick ang nakita ko.

Sa sobrang kaba ko, nahulog ang dala kong bulaklak sa gitna. Nanginginig ako at pinagpapawisan.

Nakita kong papalapit siya sa akin. Kinuha niya ang nahulog kong bulaklak at ibinigay niya iyon sa akin.

Nakita kong may luha siya sa kanang mata niya at alam kong pinipigilan niyang umiyak.

Maya-maya pa, kusa nang kinuha ni Michael ang kamay ko. Nakatingin sa akin si Michael na puno ng saya. Ramdam kong masaya siya.

Pero ako, iba na ang pakiramdam.

Ang dami kong tanong na gusto kong agad malaman.

Natapos na ang ceremony at panay picture na ang lahat. Kasama din siya sa mga napicturan. At doon ko rin nalaman na magpinsan sila ni Michael.

At doon ko rin nalaman na pinsan niya yung babaeng kasama niya sa mall na may anak na lalaki.

Aaminin kong ang tanga-tanga ko.

Bakit ako umalis?

Bakit hindi ko inalam ang totoo?

Ang hirap isipin na kinasal ako sa pinsan niya.

Paano ko sasabihin kay Michael ang totoo?

Aaminin ko bang naging pitong taon kong boyfriend si Erick, o itatago ko na lang para wala nang gulo?